Matagumpay na ipinamahagi ng Angel in Red Vest ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Social Pension Pay-out ng unang quarter sa mga senior citizen sa Pinukpuk, Kalinga nito lamang ika-11 ng Pebrero 2025.
Matagumpay ang aktibidad dahil sa pakikipagtulungan ng Social Welfare and Development (SWAD) Kalinga sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Office of the Citizens Affairs (OSCA) at PNP.
Nakatalaga ang mga tauhan ng DSWD ng 2,930 benepisyaryo na nakatanggap ng P3,000.00 stipend na may 96.31% pay-out coverage na nakaalinsunod sa RA No. 11916 na nagsasaad na ang Indigent Senior Citizen ay may karapatang tumanggap ng buwanang pensyon na hindi bababa sa P1,000.00 upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at gastusin sa medisina.
Ang aktibidad ay patunay na tapat ang pamahalaan sa pangangalaga sa mga senior citizen at pagsuporta sa misyon ng DSWD na “Bawat Buhay ay Mahalaga”.
