14.3 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Simultaneous Tree Planting Activity, isinagawa ng mga Kabataan sa Piat, Cagayan

Nagsagawa ng Simultaneous Tree Planting Activity ang grupo ng mga kabataan sa bayan ng Piat, Cagayan bilang pagsuporta sa “I Love Cagayan River: Seedlings of Hope” ni Governor Manuel Mamba, noong ika-3 ng Agosto 2024.

Isinagawa ang pagtatanim sa labing walong (18) barangay sa bayan ng Piat, kung saan nilahukan ito ng bawat miyembro ng Sangguniang Kabataan at kapwa mga kabataan sa kanilang mga barangay sa pangunguna ni SK Federation President Philip John Aquino kasama ang mga kawani ng Provincial Office for People Empowerment (POPE).

Umabot sa 2,000 bamboo propagules, lumber seedlings, at fruit bearing trees ang naitanim ng mga kabataan. Ang mga itinanim ay ang mga seedling na pinatubo ng mga Agkaykaysa officer at member sa bayan ng Piat sa ilalim pa rin ng “Seedlings of Hope Project”.

Bukod dito, isinagawa rin ng mga kabataan ang synchronized clean-up drive sa kanilang mga barangay.

Layunin ng programang ito na maprotektahan at mapanatili ang kagandahan ng kalikasan, at kapaligiran upang mabawasan ang hindi magandang epekto ng pagbabago ng klima o climate change.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles