20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Simbahan ng Sta. Maria, Ilocos Sur, idineklarang Minor Basilika ni Pope Francis

Ipinagkaloob ni Pope Francis ang titulong Minor Basilika sa isang simbahan sa Sta. Maria, Ilocos Sur na itinayo noong ika-18 siglo.

Ayon sa CBCP News, ang opisyal na ahensya ng balita ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), binigyan ng Santo Papa ang Archdiocesan Shrine at Parish of Our Lady of the Assumption ng titulong ito dahil sa makasaysayan at pangkulturang kahalagahan ng simbahan.

Ang simbahan ay naging ikalawang parokya sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Archdiocese of Nueva Segovia na ipinagkalooban ng titulong minor basilica mula sa Vatican. Ang una ay ang Minor Basilica of St. Nicholas de Tolentino sa bayan ng Sinait.

Noong 1993, ang Archdiocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Assumption ay itinanghal na isang UNESCO World Heritage Site. Ang desinasyong minor basilica, na inanunsyo ng parokya noong Lunes, ay dumaan sa dikasteryo ng Vatican para sa banal na pagsamba at disiplinang sakramento.

Itinayo ang simbahan ng mga misyonaryong Agustino noong 1765 at naging isang independiyenteng parokya noong 1769 sa ilalim ng patrona nitong si Nuestra Señora de la Asunción. Noong 1822, ang simbahan at ang kumbento nito ay naging sentro ng misyon ng mga Agustino.

Sa kasalukuyan, mayroong humigit-kumulang 24 na mga simbahan, kabilang ang mga katedral, sa buong bansa na itinalaga bilang mga minor basilicas. Ang titulong ito ay nagsisilbing simbolo ng ugnayan ng simbahan at ng Santo Papa.

Source: Sta. Maria Church

Sta. Maria, Ilocos Sur

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles