20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

SIM Registration Act, suportado ng PNP

Manila, Philippines — Nagpahayag ng buong suporta ang Pambansang Pulisya para sa paglagda sa batas at pagpapatupad ng SIM (Subscriber Identity Module) Registration Act bilang isang paraan upang mapigilan ang mga krimen at masubaybayan ang mga kriminal habang isinasagawa ang imbestigasyon.

Ang layunin ng SIM Registration Act ay upang masiguro ang seguridad ng pagkakakilanlan ng bawat pre-paid na subscriber ng SIM card.

Sa ilalim ng nasabing Act, iaatas ng Public Telecommunications Entities (PTEs) ang pagpaparehistro ng mga SIM card na kokolektahin sa isang sentralisadong database bilang paunang kinakailangan sa pagbebenta at pag-activate ng mga SIM card.

Para naman sa end-users na bibili sa direct sellers, kailangan nilang ipakita ang kanilang valid identification na may larawan kasama ng accomplished control-numbered registration form na mula sa PTE.

At para naman sa gustong bumili ng SIM card ngunit hindi makapagparehistro ng personal dahil may kaukulang rason ay maaaring pahintulutan ang iba para bumili para sa kanya basta may Special Power of Attorney at pagkakakilanlan ng principal buyer at ng kinatawan.

Samantala, naniniwala ang hepe ng Pambansang Pulisya, PGen Dionardo B Carlos na sa ganitong paraan, direktang maa-access ng PNP ang mahahalagang impormasyon hinggil sa kriminal upang mapigilan pa ang mga susunod na krimen na maaaring gawin ng parehong tao.

Binanggit din ng PNP na mapipilitang sumunod ang mga PTE at direct seller sa naturang probisyon upang maiwasang maparusahan ayon sa batas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles