20.2 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

Shrine of our Lady of the Rosary of Manaoag

Ang Shrine ng Our Lady of the Rosary of Manaoag, ay isang paboritong pilgrimage site sa Pangasinan, ay pormal nang itinaas bilang Minor Basilica sa isang matimtimang seremonya noong Pebrero 17, 2015. Iginawad ni Pope Francis ang titulong “Basilica Minore” sa naturang shrine noong Oktubre 11, 2014, ilang buwan bago ang kanyang papal visit sa Pilipinas noong Enero 15-19, 2015.

Ang kapistahan ng Our Lady of Manaoag ay sa ikatlong Miyerkules pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay at ang Universal Feast nito ay sa unang Linggo ng Oktubre. Ang sinauna pang ivory image ng Our Lady of Manaoag o “Apo Baket” na nakadambana sa mataas na altar ng simbahang Spanish-Romaneque ang disenyo ay pinaniniwalaang milagrosa. Ang orihinal na icon ay hinatid ng mga Augustinian noong 1590, at isinalin ang administrasyon nito sa mga prayleng Dominicano noong 1614. Kinoronahan iyon nang ayon sa Canon Law noong 1926, isang pagkilala ng Holy See sa mga tinugon na panalangin ng mga deboto.

Ang Our Lady of Manaoag ay patron ng mga may sakit, ayuda ng mga nangangailangan, at kilala sa paglalaan ng proteksiyon sa mga pananim. Maraming milagro at paggaling ang iniuugnay sa Mahal na Birhen ng Manaoag. Sa mga dingding ng Basilica, ang pinakatanyag sa mga milagro ay nakalarawan sa malahiganteng painting tulad ng isang batang lalaking taga-Binmaley, Pangasinan na may sakit na muling nabuhay at isang lalaking taga-Dagupan City na gumaling ang lalamunan sa impeksiyon.

Ayon sa Congregation for Divine Worship at ng Discipline of the Sacraments na maaaring iproklama ng Papa ang isang simbahan bilang Minor Basilica kung taglay niyon ang partikular na kahalagahan para sa Liturgical at Pastoral na pamumuhay, dahil sa pagka-antigo nito, dignidad ay mahalaga sa kasaysayan, kahalagahang arkitektural at artistiko, at ang kahalagahan nito bilang sentro ng pagsamba, at sa pagiging banal nito dahil sa presensiya ng isa o higit pang relic. May tatlong pisikal na palatandaan na indikasyon na ang simbahan ay isang Minor Basilica: isang ombrellone o papal umbrella, isang tintinnabulum o papal bell, at isang papal seal Ombrellone o isang sedang tabing na may stripes na dilaw at pula o tradisyunal na papal colors. Ang tintinnabulum ay nakalagay sa isang a pole at dinadala na kasama ang ombrellone sa mga espesyal na okasyon. Ang Minor Basilica ay maaaring mag-display ng papal symbol – naka-krus na mga susi – sa mga bandila, muwebles, at sa seal nito.

Bukod sa Basilica Minor ng Our Lady of Manaoag, ang iba pang Minor Basilica sa Pilipinas ay ang Manila Cathedral sa Intramuros, ang Basilica del San Martin de Tours sa Taal, Batangas; ang San Sebastian Church sa Quiapo, ang Basilica del Santo Niño sa Cebu City, at ang Minor Basilica of Black Nazarene sa Quiapo.

Sinulat ni: Rovan Dominique

Source:

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles