Nagsagawa ng pagbabakuna laban sa COVID-19 ang pamahalaang lokal ng Tarlac nito lamang ika-24 ng Hunyo 2022 sa tatlong health center ng lungsod.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Mayor Cristy Angeles na naaayon sa kanyang programa na Mobile Angel na layuning mabakunahan ang mga batang edad 5-11 na taong gulang.
Naihatid ang serbisyong pangkalusugan sa Matatalaib Health Center, San Miguel Health Center, San Manuel Health Center at TARVET Chapel (San Rafael, Tibagan Covered Court).
Sa kabuuan, 284 na bata ang nabakuhan ng COVID19-vaccine.
Paalala ng gobyerno ng Tarlac na manatiling nakatutok para sa susunod na vaccination schedule.
Patunay lamang na patuloy na ang ating gobyerno ay laging handang ihatid ang iba’t ibang serbisyo sa mga mamamayan lalo na ngayong panahon ng pandemya.