Nagsagawa ng medical mission ang Rotary Club of Makati-San Antonio katuwang ang 84th Infantry (Victorious) Battalion at Local Government Unit ng San Jose, Nueva Ecija nito lamang ika-29 ng Hunyo 2022 sa Pag-Asa Sports Complex, Barangay F.E., San Jose City, Nueva Ecija.
Naging benepisyaryo sa nasabing aktibidad ang mga sundalong kababaihan at mga residente ng nasabing lugar.
Nagkaroon ng libreng konsultasyon kaugnay sa Breast and Cervical Cancer Screening.
Ayon kay Ms Eliza M Espina, presidente ng Rotary Club of Makati-San Antonio, ang programa ay ginawa upang maagapan ang lumalaking porsyento ng pagkamatay na nauugnay sa mga nasabing sakit.
Dagdag pa ni Espina na mahalaga ito sapagkat marami ang namamatay dahil huli na bago matuklasan ang kanser.
Umaasa din siya na sa paraan ito ay maagapan ang mag naturang sakit.
Samantala nagpasalamat naman si Lieutenant Colonel Enrico Gil C Ileto, Commanding Officer ng 84th UB sa grupo ng Rotary Club of Makati-San Antonio para sa pangunguna sa aktibidad na naglalayong tulungan ang mga kapus-palad na Novo Ecijanos na makakuha ng libreng serbisyong medikal.