15.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Serbisyong Medikal, isinagawa sa Paniqui, Tarlac

Nagsagawa ng serbisyong medikal para sa mga residente ng Barangay Apulid, Paniqui, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-31 ng Enero 2024.

Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa pamumuno ni Hon. Max Roxas, Mayor ng Paniqui, Tarlac katuwang ang Mobile Clinic sa pangunguna nila Dr. Raymond Tañedo at Dr. Jolab Daguro at ng mga medical staff ng Rural Health Unit-l (RHU-l) at Paniqui General Hospital (PGH).

Ang aktibidad ay isinagawa sa pamamagitan ng Libreng Blood Chem., X-ray, Electrocardiogram(ECG), Ultrasound at Anti Covid-19 Vaccine at Booster na naghatid ng labis na kasiyahan at tuwa sa mga residente.

Ang probinsya ng Tarlac ay patuloy na maghahatid ng serbisyong medikal at magsasagawa ng higit pang mga proyekto at programa na pakikinabangan ng mga Paniqueño para sa mas matibay na ugnayan ng komunidad at mga namamahala ng nasabing bayan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles