Handog ng Pamahalaang “Serbisyong Abot-Kamay hanggang sa Barangay” ng Pamahalaang bayan ng Mariveles sa Covered Court ng Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan nito lamang Miyerkules ika- 8 ng Abril 2025.
Matagumpay ang aktibidad sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Aj Conception, Vice Mayor Lito Rubia katuwang si Honorable Reynaldo Castro, Brgy. Chairman ng naturang lugar.
Nagkaroon ng libreng Medical, Maternal at General Dentistry Consultation ang mga benepisyaryo, libreng gamot, vitamins para sa mga bata at mga may karamdaman.
Bukod pa rito mayroon ding Non-Medical Services sa naturang aktibidad tulad ng Philhealth E-konsulta Profiling, Late Birth Registration, Senior Citizen/PWDs Resgistration, bakuna para sa mga alagang hayop at libreng gupit.
Layunin ng aktibidad na mapanatiling maayos ang kalusugan ng mga residente upang maiwasan ang mga karamdaman at matiyak ang kanilang kaligtasan at kagalingan sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Patuloy na magsasagawa ang pamahalaan ng ganitong mga programa upang maihatid ang de-kalidad na serbisyo, lalo na sa larangan ng kalusugan, at matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.
