Naghatid ng iba’t ibang serbisyo ang pamunuan ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose sa mga residente ng Barangay Tondod, San Jose City, Nueva Ecija nito lamang Biyernes, ika-1 ng Setyembre 2023.
Pinangunahan ito ng mga opisyales ng lungsod sa ilalim ng pamumuno ni Hon. Kokoy Salvador, City Mayor.
Sa aktibidad ay nagkaroon ng pamimigay ng food packs, libreng konsultasyon, libreng gupit, libreng masahe, pamimigay ng seedlings at iba pang serbisyo ng gobyerno para sa mga residente ng naturang lugar.
Sinisiguro ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose na patuloy na maghahatid ng tulong at serbisyo sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan.