Naghatid ng libreng serbisyo para sa mga katutubong Aeta ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles para sa mga katutubo na nakatira sa Barangay Sapangbato, Angeles City nito lamang Huwebes, ika-19 ng Oktubre 2023.
Pinangunahan ito ni Hon. Carmelo Lazatin Jr., City Mayor katuwang ang mga tauhan ng Gender and Development Office, Local Civil Registry Office at Philippine Statistics Authority.
Nagkaroon ng libreng gupit at libreng rehistro para sa ating mga katutubong Aeta na nakatira sa naturang lugar.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Indigenous People na idineklara sa ilalim ng Proclamation No. 1960 s. 2009 bilang pakikiisa sa pangangalaga sa kultura ng ating mga katutubo.