Nagsagawa ang Provincial Government ng Aurora ng Serbisyo Karaban ng Kapitolyo para sa mga residente ng Barangay Sabang Baler, Aurora nito lamang Martes, ika-21 ng Nobyembre 2023.
Pinangunahan ito ng iba’t ibang opisina ng Kapitolyo kabilang ang Provincial Social Welfare and Development Office, Office of the Provincial Agriculture, Provincial Risk Reduction and Management Office, Provincial Assessors Office at Provincial Health Office.
Nakiisa rin sa aktibidad ang mga tauhan ng Aurora Police Provincial Office at Philippine Army.
Nagkaroon ng medical and dental mission, gift-giving, feeding program, libreng gupit at iba pang serbisyo ng pamahalaan.
Layunin ng aktibidad na maihatid sa mga mamamayan ang iba’t ibang serbisyo ng gobyerno lalo na sa mga nakatira sa liblib at malalayong lugar.