23.3 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Serbisyo Caravan ng RTF-ELCAC, inilapit sa mga residente ng Barangay Lipatan sa Sto. Nino, Cagayan

Iba’t ibang tulong mula sa mga member agency ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC) ang naihatid sa mga residente ng Brgy. Lipatan, Sto. Niño, Cagayan sa Serbisyo Caravan na isinagawa noong Setyembre 21, 2023.

Ilan sa mga natanggap ng mga residente partikular ang mga nakatira sa Sitio Lagum ay Family Food Packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), isang supot ng sampung kilong bigas at mga de-lata mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, mga pakete na naglalaman ng iba’t ibang buto ng gulay mula sa Department of Agriculture (DA) at Provincial Agriculture Office, at mga bitamina at hygiene kits mula sa Department of Health.

Ang Serbisyo Caravan ay proyekto ng RTF-ELCAC na naglalayong ihatid nang personal sa mga malalayong barangay ang mga serbisyo at programa ng gobyerno.

Katuwang ng RTF-ELCAC sa aktibidad ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, Lokal na Pamahalaan ng Sto. Niño, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Police Regional Office 2, Cagayan Police Provincial Office, Sto. Niño Municipal Police Station, 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company, 202nd Maneuver Company-Regional Mobile Force Battalion, 5th Infantry Division Philippine Army sa pamamagitan ng 5ID Dental Team, 502nd Infantry Brigade, 17th Infantry Battalion, Coast Guard Northeastern Luzon, Department of the Interior and Local Government, (DILG), Philippine Information Agency (PIA), Technical Education Skills and Development Authority (TESDA), DSWD, at DA.

Source: PIA Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles