Nagkaisa ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang marating at ipaabot ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga residente ng Barangay Napo, Ambaguio, Nueva Vizcaya noong Hunyo 17, 2022.
Ang Caravan ay pinangunahan ng Department of Interior and Local Government- Municipal Local Government Operations Office-Ambaguio sa pamumuno ni Ms. Melissa D Umis at mga lokal na pamahalaan.
Nagkaroon ng pamamahagi ng vegetable seeds mula sa Municipal Agriculture Office, food packs na nagmula sa Provincial Social Welfare and Development, libreng check-up, libreng mga gamot at bitamina, mga sapatos mula sa Technical Education on Skills and Development Authority, at PDRRMO Orientation.
Samantala, libreng dental check-up, pagbunot ng ngipin at libreng gupit naman ang handog ng PNP.
Talakayan din ang ibinahagi sa mga pre-schoolers tungkol sa good and bad touch.
Dagdag din ang mga kaalamang ibinahagi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office patungkol sa mga nararapat gawin kapag may mga sakuna.
Nagbigay din ng kani-kanilang serbisyo ang iba pang ahensya ng pamahalaan katulad ng Philippine Statistic Agency, TESDA, BFP, 86th Infantry Division 5th Infantry Battalion, Philippine Army, at iba pang miyembro ng Provincial Task Force.
Ang caravan na ito ay naglalayong magbigay ng mga tunay na serbisyo at abutin ang komunidad na nasa malalayo at liblib na lugar.
Source: Ambaguio PS FB Page