Pinangunahan ni Mayor Leonardo C. Pattung kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Rowel Gazmen ang muling pag-arangkada ng Serbisyo Caravan sa Barangay Poblacion noong Marso 27, 2025.
Nakaalalay pa rin ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa seguridad ng lugar gayundin ang pagpapakita ng talento at pakikiisa sa mga programa tulad ng libreng gupit. Gayundin ang suporta ng Bureau of Fire Protection na kaagapay sa pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad.



Tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay ng mga libreng gamot ang Municipal Health Office kasabay ng pagsasagawa ng iba’t ibang konsultasyon na may kinalaman sa kalusugan sa pangunguna ni Municipal Health Officer Dr. Olga Joy Bautista.
Gayundin ang tuloy-tuloy na programa ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWD Officer Elvie Salvador gaya ng relief distribution. Katuwang din ang iba’t ibang opisina ng Lokal na Pamahalaan para sa paghahanda at pagsasagawa ng nasabing programa.
Nagpapasalamat naman ang Lokal na Pamahalaan sa mainit ang pagtanggap sa grupo ng Serbisyo Caravan ng mga residente ng mga nasabing Barangay sa pangunguna ng mga opisyales nito.
Source: Baggao Information Office