15.2 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

Serbisyo Caravan, hatid ng Lokal na Pamahalaan sa Baggao, Cagayan

Matagumpay na isinagawa ang Serbisyo Caravan na hatid ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Leonardo C. Pattung kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Rowel Gazmen sa Barangay Lasilat noong ika-3 ng Mayo 2024.

Pinangunahan naman ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang seguridad sa lugar gayundin ang pagpapakita ng talento at pakikiisa sa mga programa tulad ng libreng gupit. Tumulong naman ang Bureau of Fire and Protection sa pagsasagawa ng libreng tuli.

Samantala, namigay ng mga libreng gamot ang Municipal Health Office kasabay ng pagsagawa ng iba’t ibang konsultasyon na may kinalaman sa kalusugan sa pangunguna ni Municipal Health officer Dr. Evelyn Gamata.

Nagkaroon ng iba’t ibang programa ang Municipal Social Welfare and Development Office sa pangunguna ni MSWD Officer Elvie Salvador gaya ng Relief Distribution, registration at issuance of ID para sa mga Senior Citizen sa pangunguna ni OSCA Head Ms. Olivia M. Vea.

Kaisa rin ang opisina ng Agrikultura sa pamamahagi ng mga libreng binhi at mga buto ng mga gulay na pwedeng itanim sa mga bakuran.

Naging mainit naman ang pagtanggap sa grupo ng Serbisyo Caravan ng mga Taga Barangay Lasilat sa pangunguna ng mga opisyales ng nasabing Barangay at mga guro ng Lasilat Elementary School.

Source: Baggao Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles