25.6 C
Baguio City
Sunday, April 20, 2025
spot_img

Send-off Program, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa mga delegado ng CLRAA 2025

Isinagawa ang send-off program ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, para sa mga delegado ng Tarlac City na sasabak sa Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet 2025 na ginanap sa Kaisa Convention Hall, Tarlac City, Tarlac nito lamang Miyerkules ika-16 ng Abril 2025.

Sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles, kasama ang mga atleta, coaches, at trainers, pinuri ni Mayor Angeles ang dedikasyon ng bawat atleta at pinaalalahanan na ang kanilang laban ay laban din ng buong lungsod.

Hinimok din ng alkalde ang mga atleta na maging positibo, determinadong lumaban, at huwag mawalan ng pag-asa sa oras ng pagsubok.

Bilang dagdag suporta, ipinamahagi rin ang mga CLRAA kits na kinabibilangan ng duffel bag, body bag, hygiene kits, payong, sapatos, at uniporme.

Nakatanggap rin ng cash allowance ang mga kalahok bilang tulong sa kanilang pangangailangan sa kompetisyon.

Ang buong Tarlac City ay buong pusong sumusuporta at nakikiisa sa mga atletang magdadala ng karangalan sa lungsod.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles