Personal na magpapaabot ng tulong si Senador Bong Revilla sa mga biktima o nasalanta ni Bagyong Egay sa Narvacan, Ilocos Sur.
Ayon kay Pauline Cabunoc ng Municipal Social Welfare and Development Officer, mabibigyan ng tig-dadalawang libo ang humigit kumulang na dalawang libong pamilya mula sa iba’t ibang barangay na hindi pa nakakatanggap ng tulong pinansyal.
Personal na ipapaabot ng butihing Senador ang mga ayuda ngayong araw, ika-11 ng Agosto na kung saan ay papasyalan niya mismo ang mga apektadong lugar at ang mga residente.
Kasama ni Sen. Revilla na mag-aabot ng tulong ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Narvacan sa pangunguna ni Acting Municipal Mayor Caloy Valera.
Kaugnay nito, ipinapaabot ng mga residente ng nabanggit na bayan ang kanilang lubos na pasasalamat sa tulong ng Senador na naging posible sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development.
Source: Narvacan Naisangsangayan
Panulat ni Malayang Kaisipan