Matagumpay na isinagawa ang Mid-Year Seminar Workshop on Barangay Disaster Risk Reduction Management Plan Review sa Tuguegarao City, Cagayan nito lamang ika-3 ng Hulyo 2024.
Pinangasiwaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa pamumuno ni CDRRMO Head Maria Soledad Sapp ang nasabing aktibidad, katuwang ang mga tanggapan ng City Budget, City Planning and Development Office at City Local Government Operations Office.
Ito ay dinaluhan ng mga punong barangay, barangay secretary at barangay treasurer ng lungsod, kung saan sila ay gagabayan sa paggawa ng kanilang BDRRM Plan bilang preparasyon sa Seal of Good Local Governance of Barangay.
Para mas magabayan ng mabuti ang mga barangay sa kanilang BDRRM Plan kanilang iprenesenta ang mga sumusunod: kasalukuyang BDRRM Plan, Barangay Development Council and Barangay Disaster Risk Reduction Management Council (BDRRMC) Resolutions adopting BDRRM Plan, mga documentong naglalaman ng BDRRMC composition, 2023 Physical Accomplishment Report at Utilization Report of the CY 2023 70% Preparedness Fund, upang malaman kung saan ang kailangan baguhin o dagdagan.
Source: Tuguegarao City Information Office