Nagsagawa ang National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) North Luzon ng Seminar for Imams, Solemnizing Officers at Free Legal Aid sa Empress Island Hotel, Masjid Anguilla Compound, Alaminos City, Pangasinan nitong ika-23 ng Hunyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Arth Bryan C. Celeste, City Mayor at Atty. Raihanah Sarah Macarimpas, Regional Director ng NCMF North Luzon katuwang ang kinatawan ng Alaminos City Police Station at Pangasinan Mobile Force Company.
Dinaluhan din ito ng iba’t ibang asosasyon sa ika-anim na Distrito ng Pangasinan at Dagupan City tulad ng Majid Angullia Philippines, Muslim Association of Alaminos City, Bolinao Muslim Community, Masjid Al-Noor Imbalbalatong Pozorrubio, Alcala Pangasinan, Pangasinan Muslim Disaster Relief and Rescue Response Team, Discover Islam Pangasinan, United Balik Islam Leaders of Pangasinan, Masjid Umar Ibn Alkhanab Mangatarem, Masjedu Rawdah Mangaldan. Masjid Al- Hidjrah Quibaol, Lingayen Masjid At- Tawbah, Pampilo West Lingayen Masjid Nosrat, Mapandan Lingayen at Pimai Sultan Barodi.
Layunin ng aktibidad na turuan o i-update ang mga Imam at iba pang Solemnizing Officers tungkol sa mga batas na nakakaapekto sa kanila pagdating sa pagpaparehistro ng kasal sa Civil Registrar.
Source: LGU Alaminos City Pangasinan