15.7 C
Baguio City
Sunday, October 20, 2024
spot_img

Selebrasyon ng buwan ng Sto. Rosario, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan

Nagsagawa ng misa ng pasasalamat ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan bilang selebrasyon ng buwan ng Sto. Rosaryo na ginanap sa Capitol Main, Building, Tuguegarao City, Cagayan, nito lamang Lunes, Oktubre 7, 2024.

Ito ay pinangunahan ni Hon. Manuel Mamba, Governor ng Cagayan, kasama si Unang Ginang Atty. Mabel Villarica- Mamba, katuwang ang mga miyembro ng One Cagayan Team, Department Head, at mga kawani ng Kapitolyo ng Cagayan.

Samantala, isang taimtim na panalangin ang pinangunahan ni Father Joseph Balinan upang magbigay-gabay at pagpapala bago magtungo sa Commission on Elections para sa filing ng Certificate of Candidacy (COC) ng mga kandidato bilang pagtitibay sa kanilang adhikain na ipagpatuloy na paninilbihan sa mga Cagayano.

Ang buwang ito ay nagsisilbing paalala sa mga Katoliko na ang Rosaryo ay hindi lamang isang dasal kundi isang gabay patungo sa mas malalim na relasyon sa Poong Maykapal.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles