16.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

Sektor ng Agrikultura sa Gitnang Luzon, nananatili umanong masagana ang ani

Nananatili umanong masagana ang ani ng sektor ng agrikultura sa Gitnang Luzon sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Department of Agriculture Regional Executive Director Crispulo Bautista Jr. na noong nakaraang taon, naitala ng ahensya ng gobyerno ang makasaysayang pinakamataas na produksyon ng pananim na mga palay sa buong bansa at sa loob ng rehiyon.

Aniya, umabot sa 19.96 milyong metric tons ang inaning mga bigas sa buong Pilipinas, 3.74 milyong metric tons rito o ang halos 20 porsiyento ng kabuuang produksyon ng bigas ay mula sa Gitnang Luzon.

Ito raw ang dahilan kung bakit binansagan ang Rehiyon 3 bilang Rice Granary of the Philippines.

Bukod pa sa bigas, ang 65 porsyento ng lahat ng inaning sibuyas sa Pilipinas ay nanggaling din sa rehiyon, partikular na sa probinsya ng Nueva Ecija.

Pangalawa naman ang Rehiyon 3 sa Pambansang Produksyon dahil sa kakayanan nitong magtustos ng 50 porsyento o kalahati ng halos lahat ng gulay na inilalako sa Metro Manila bilang mga high-value commercial crops lalo na ang mga sangkap ng paboritong ulam na pakbet.

Nakapagtala din ang Gitnang Luzon ng pinakamataas na produksyon ng mais na maaaring pangkumpetensya kahit sa iba pang mga bansa sa South East Asia na may kalimitang ani na pitong toneladang mais kada ektarya.

Dagdag pa ni Bautista, patuloy na hinihikayat ng ahensya ang pagtatanim ng iba’t ibang uri at sari-saring uri ng mga gulay, dahil ang mga gulay na mabilis anihin ay maaaring magbigay ng karagdagang kita at produksyon lalo na sa mga magsasakang may malalaking lupain pero may mahinang patubig.

Higit pa rito ay nakabukas ang merkado ng Maynila para sa mga produktong manggagaling sa rehiyon.

Aniya pa, bukod sa mga pananim na kalimitan sa Rehiyon, ay mayroon na ding Highland Vegetable Crops na matatagpuan sa Carranglan, Nueva Ecija, na susubukang palawakin pa ang produksyon kung sakaling magkulang ang Cordillera Region sa pag-aangkat nito. Sa Bataan naman ay nagtatanim na rin ang mga magsasaka ng halamang kape.

Source: Nueva Ecija TV48

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles