16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Sektor ng Agrikultura, lumago sa ilalim ng administrasyon ni PBBM

Ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas bumilis ng 1.2% ang paglago sa sektor ng agrikultura sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2023.

Ayon kay Director Gerald Glenn Panganiban, Department of Agriculture – Bureau of Plant Industry, lumago ang sektor ng agrikultura dahil sa mga hakbang na isinagawa at ipinatupad ni Pangulong Marcos.

Kabilang na rito ang pagpapabilis ng  Senate Bill No. 2432 o Anti-Agricultural Sabotage Act na nagbibigay ng mas mahigpit na parusa laban sa hoarders at smugglers, pagbibigay ng bagong buying price para sa palay na nagpataas sa kita ng mga magsasaka at ang pamimigay ng pamahalaan ng libreng rice seeds, fertilizers at technical support  para sa mga Pilipinong magsasaka.

Bukod pa rito, nakatanggap din ng fish cage at motorized boats ang mga mangingisda, samantalang nakatanggap naman ang mga magsasaka ng tractors, harvesters at hauling trucks at iba pang makinarya at kagamitan. 

Ipinagmamalaki naman ng pamahalaan ang nakuhang 51% na farm-to-market roads; ang naitalang pinakamataas na ani ng palay noong nakaraang taon; at ang 9% na ambag ng sektor ng agrikultura sa Gross Domestic Product ng bansa.

Kaya naman patuloy na patataasin pa ng administrasyon ang farm supply at magpapatayo ng mas maraming irigasyon at post harvest and storage facilities ang ahensya alinsunod sa isinusulong ni Pangulong Marcos na modernisasyon upang matiyak ang food security sa bansa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles