Isinagawa ang Sustainable Development Goals (SDG) – Localization Project Orientation sa mga kasapi ng Technical Working Group (TWG) ng bawat opisina ng LGU-Alaminos nito lamang Miyerkules, Mayo 21, 2025 sa Don Leopoldo Sison Convention Center, Alaminos City.
Ang nasabing oryentasyon ay ginanap upang mas mailapit sa lokal na pamahalaan ang mga SDGs na suportado ni Mayor Arth Bryan C. Celeste.

Pinangunahan ito ng Provincial Government sa tulong ng Center for Pangasinan Studies (CPS) at sa pakiki-ugnayan ng City Planning and Development Office ng Lungsod.
Layunin naman ng programa na isalin sa lokal na antas ang mga pandaigdigang mithiin tulad ng kalidad na edukasyon, kalusugan para sa lahat, pagkakapantay-pantay, at pangangalaga sa kalikasan.
Source: LGU Alaminos City