Muling umarangkada ang pagbibigay-tulong ng Lokal na Pamahalaan ng Angeles City para sa mga mag-aaral ng Malabanias Day Care Center nito lamang Lunes, ika-4 ng Nobyembre 2024.
Personal na inihatid ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., Alkalde ng Lungsod ng Angeles, ang pamamahagi ng mga school supplies kasama si Bise Alkalde Hon. Vicky Vega-Cabigting, mga opisyal ng Barangay ng Malabanias, mga miyembro ng Angeles City Economic Development and Investment Promotions Office na pinangunahan ni Ms. Irish Bonus-Llego, at ang City Nutrition Office.
Bawat mag-aaral ay nakatanggap ng isang backpack na may kumpletong set ng mga gamit sa pag-aaral, kabilang ang mga aklat, crayons, coloring pads, notebooks, panulat, at mga school shirt, na may kasamang sapatos at medyas.
Ito ang unang araw pa lamang ng aktibidad, at aasahan ng mga paaralan sa nasabing lugar na iikot ang mga namamahala para sa distribusyon ng mga school supplies na naglalayong itaguyod ang mas magandang kinabukasan para sa mga batang Angeleño, at alinsunod sa adhikain ng bagong administrasyon para sa isang mas maunlad na Pilipinas.