Naghandog ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles ng mga kagamitan para sa iba’t ibang paaralan ng naturang lungsod nito lamang Martes, ika-21 ng Marso 2023.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Carmelo “Pogi” Lazatin Jr., City Mayor, katuwang ang City Social Welfare and Development Office.
Naghandog ng mga upuan, lamesa, school supplies at mga bitamina para sa mga mag-aaral ng naturang paaralan.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Angeles sa paghahatid ng mga kagamitan sa mga paaralan upang maging komportable ang mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.