19.4 C
Baguio City
Saturday, February 22, 2025
spot_img

School Drill Monitoring at KIDS HANDA, isinagawa sa Bulacan

Nagsagawa ng hindi inanunsyong earthquake drill ang Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng CDRRMO sa Immaculate Conception School of Malolos – Stella Mariz (Pamarawaan) at Mary the Queen School of Malolos, Bulacan nito lamang Pebrero 19, 2025.

Pinangunahan ito ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) katuwang ang Bureau of Fire Protection (BFP) ang aktibidad.

Kasabay ng drill ay inilunsad ang programang KIDS HANDA, isang inisyatibo na naglalayong mapalakas ang partisipasyon ng mga kabataan sa disaster risk reduction at emergency preparedness.

Layunin nitong itaas ang antas ng kaalaman at kahandaan ng mga mag-aaral at guro sa pagharap sa banta ng lindol at iba pang sakuna upang masisiguro ang maagap at epektibong pagtugon sa oras ng sakuna.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng lokal na pamahalaan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat isa, lalo na sa sektor ng edukasyon.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles