Bilang bahagi ng dalawang araw na serbisyong caravan na isinagawa sa tatlong baybaying bayan ng Isabela, ang Office of the Vice President (OVP)-Isabela Satellite Office, na kinatawan nina Virgie Zorilla at Juan Carlos Ferrer, ay namahagi ng mga school bag, na may mga pangunahing gamit sa paaralan sa mga piling mag-aaral ng Maconacon Central School sa Barangay Fely, Maconacon noong ika-13 ng Abril 2024.
May kabuuang 160 piraso na school bags ang naipamahagi sa Maconacon Central School at humigit-kumulang naman na 60 piraso na school bags din ang ipinamahagi sa mga piling mag-aaral ng Divilacan Central School sa Barangay Dimapula, Divilacan na karamihan ay kabilang sa Dumagats at Agta Ethnic Groups.

Sinabi ni Zorilla na ang pamamahagi ng bag ay bahagi ng OVPs Project, na tinaguriang “PagbaBAGo: A Million Learners Campaign” na naglalayong magbigay ng One Million bags sa mga mag-aaral habang nagbibigay-inspirasyon sa kanila na ituloy ang kanilang pag-aaral.
Ang dalawang araw na serbisyo caravan ay isang inisyatibo ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC), kasama ang National Intelligence Coordinating Agency bilang over-all organizer, na naglalayong magbigay ng one-stop-shop para sa iba’t ibang mga serbisyong panlipunan na kailangan ng mga nasasakupan ng nasabing mga komunidad.
Source: PIA Cagayan Valley