Umarangkada ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa pamamahagi ng scholarship grant para sa mga benepisyaryo ng Club Numero Uno na inisyatiba at programa ni Gov. Manuel N. Mamba.
Sinimulan ang distribusyon nitong Huwebes, Disyembre 26, 2024 sa Commissary Building ng Kapitolyo ng Cagayan kung saan nagsilbing kinatawan ni Gov. Mamba si Mrs. Clarita Lunas, Consultant on Education ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan.
Kabilang sa mga tumanggap ng tig-P10,000 na scholarship ang mga benepisyaryo ng Club Numero Uno batch 2021 at sa talaan ng Provincial Treasury Office ay aabot sa 133 ang kabuuang bilang ng mga tatanggap ng scholarship grant.
Layunin ng scholarship program na ito ni Gov. Mamba na tulungan at suportahan ang mga deserving student ng lalawigan ng Cagayan.
Source: Cagayan PIO