24.5 C
Baguio City
Monday, October 21, 2024
spot_img

Scholarship Awarding Ceremony, isinagawa ng DSWD Field Office III sa Angeles City

Matagumpay na naisagawa ang scholarship awarding ceremony sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng DSWD Field Office 3 – Central Luzon, katuwang ang WorldShare International Foundation, Inc. at Haesung DS Philippines, Inc. (HDSPI) sa Sitio Target Integrated School, Angeles City nito lamang ika-15 ng Oktubre, 2024.

Dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ang nasabing aktibidad, kabilang sina 4Ps Social Welfare Officer IV Ms. Carla M. Figueroa, na kumatawan kay Regional Director Venus F. Rebuldela, at mga kinatawan mula sa HDSPI at WorldShare International Foundation, Inc. Sa kabuuan, 25 kabataan ang ginawaran ng scholarship, kabilang ang siyam na benepisyaryo ng 4Ps.

Bukod dito, nagkaroon ng talakayan tungkol sa iba pang pangangailangan ng mga mag-aaral, partikular na sa mga proyektong maaaring tugunan ng mga partners tulad ng water facilities at karagdagang scholarship.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang edukasyon at kapakanan ng mga batang benepisyaryo sa rehiyon, patunay sa matagumpay na pakikipagtulungan ng gobyerno at pribadong sektor.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles