Handog ng Lokal na Pamahalaan ng San Jose sa 400 Iskolar ng Bayan ang scholarship assistance na binubuo ng Junior High School at Senior High School students ng San Jose, Tarlac nito lamang Miyerkules ika- 22 ng Enero 2025.
Matagumpay na naisagawa ang naturang aktibidad sa pamumuno ng butihing Ama ng Bayan, Mayor Romeo Ong Capitulo.
Ang pinansyal na tulong na ito ay nagbigay tuwa at labis na pasasalamat ng mga benepisyaryo sa hindi paglimot ng pamahalaan para sa kabataan.
Ang Lokal na Pamahalaan ng San Jose ay patuloy na maghahatid ng pinansyal na tulong at magsasagawa ng higit pang mga proyekto at programa na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa mas matibay na ugnayan ng komunidad at kabataan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.