14 C
Baguio City
Thursday, January 30, 2025
spot_img

Sapatos at Jersey, ipinamahagi ng Concepcion LGU sa mga batang atleta

Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Concepcion ng sapatos at jersey para sa mga kabataang atleta sa Concepcion Municipal Hall, Tarlac nito lamang ika-17 ng Disyembre 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Noel Villanueva, Mayor ng naturang bayan katuwang ang Municipal Accounting Office, upang matulungan ang mga atleta sa kanilang pagsasanay at kompetisyon.

Sa kabuuan, nakapagbigay ng 296 pares ng sapatos at mga jersey na bahagi ng pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa mga kabataang may potensyal sa larangan ng sports.

Labis naman ang tuwa ng mga atleta at mga tagapagturo sa natanggap na galing sa pamahalaan.

Ayon sa mga atleta, pag-iigihan pa ang pag ensayo para mas marami pang mapanalunang laban.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Concepcion sa pagbibigay suporta sa mga atleta at pagpapaunlad sa larangan ng sports o palakasan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles