14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Santa Maria Church sa Ilocos Sur, tinaguriang UNESCO World Heritage Site

Ang Parokya ng Nuestra Señora de la Asuncion o The Church of the Lady of Assumption sa Ingles, na mas kilala sa pangalang Santa Maria Church ay isang simbahang parokya na matatagpuan sa bayan ng Sta. Maria sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Ito ay nakatayo sa tuktok ng isang hindi kataasang burol at isa sa apat na Baroque Churches ng bansa na nabibilang sa listahan ng UNESCO World Heritage Site.

Ang Santa Maria Church ay gawa sa isang kumplikadong sining ng clay bricks at mortar kaya naman maraming dumarayo na mga lokal at dayuhang turista rito hanggang tuluyan itong naging sentro ng atraksyon.

Ito rin ay nagsisilbing isang perpektong inspirasyon at kanlungan para sa mga taong gustong tuklasin ang sinaunang kultura at kasaysayan. Ang mahabang hagdanan na paakyat sa simbahan ay nakapagbibigay rin ng mala-paraisong katangian nito.

Ang nasabing parokya ay orihinal na nasimulan at naitayo sa Narvacan, Ilocos Sur noong taong 1567. Ito ay inialay sa Birheng Maria sa ilalim ng titulong Our Lady of Assumption.

Sinasabing matapos ang madalas na pagkawala, ang estatwa ng Birheng Maria ay natagpuang nakadapo sa isang puno ng bayabas. Sa kadahilanang ito, ipinasya ng mga taong bayan na ilipat ang simbahan sa kasalukuyang lokasyon nito kung saan nakatayo ang nasabing bayabas na sinimulang itayo noong 1765.

Ang bell tower at ang mga proteksyon na pader ay itinayo noong 1810 at 1863 nang isinagawa ang pagsasaayos ng nasabing simbahan.

Ayon sa pagkakasunod ng pagkakabanggit, ang bell tower ay binago sa parehong taon na bahagyang nakatagilid na istraktura na siyang makikita ngayon. Ito ay una ring itinayo gamit ang mga bamboo sticks ngunit nang maglaon, ang mga lokal na materyales ay pinalitan ng mas matibay na mga kasangkapan upang bigyan ng mas mahabang buhay.

Iniukit ng Santa Maria Church ang pangalan nito sa UNESCO world heritage sites noong Disyembre 11, 1993 bilang bahagi ng apat na Baroque Churches sa Pilipinas. Nakilala ito bilang isang heritage site dahil sa napakagandang disenyo at arkitektura nito.

Source: Sta. Maria, Ilocos Sur Tourism

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles