17 C
Baguio City
Monday, November 18, 2024
spot_img

Santa Maria Church, idineklarang Archdiocesan Shrine

Ang Nuestra Señora De la Asuncion Parish Church o mas kilala sa tawag na Santa Maria Church ay isang 18th Century na simbahan na matatagpuan sa Bayan ng Sta. Maria, Ilocos Sur ay idineklarang Archdiocesan Church nitong buwan ng Agosto 2022 na kung saan ay ipinagdiriwang ang pista nito.

Ipinahayag ng mga Prayleng Augustinian ng lalawigan ng Kabanal-banalang Pangalan ni Hesus ng Pilipinas ang bagong katayuan ng Nuestra Señora De la Asuncion Parish Church sa pagdiriwang ng Solemnity of the Assumption of Our Lady.

Ang Sta.  Maria Church ay itinatag ng mga Prayleng Augustinian noong 1710. Sinimulan ang pagtatayo ng simbahan noong 1765. Noong 1769, idineklara naman itong malayang parokya sa ilalim ng adbokasyon ng Our Lady of the Assumption.

Ang Bell Tower ay itinayo noong 1810 sa panahon ng pagsasaayos ng simbahan at nilagyan ng kampana sa sumunod na taon.

Kinilala naman ito bilang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Site noong ika-11 ng Disyembre 1993.

Sa kasalukuyan, ang Nuestra Señora De la Asuncion Parish Church ay pinaglilingkuran at pinamamahalaan ng mga pari mula sa Archdiocese of Nueva Segovia.

Source: Sta. Maria, Ilocos Sur Tourism

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles