15.2 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

San Fernando La Union LGU, nagbigay ng Fisheries Production Input sa mga Boat at Fishpond Owners

City of San Fernando, La Union – Nagbigay ang Pamahalaang Lungsod ng San Fernando, La Union ng Fisheries Production Input sa mga Boat at Fishpond Owners na ginanap sa City Food Terminal ng San Fernando City, La Union nito lamang ika-20 ng Disyembre 2022.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni City Councilors Hon. Tony Jucar, Committee Chairman on Agriculture kasama ang City Administrator sa pangangasiwa ni Col. Ramon F. Laudencia at City Agriculture Office.

Ayon kay City Councilors Hon. Jucar, matagumpay na naisagawa ang pamimigay ng fisheries production input sa ikalawang batch ng mga benepisyaryong boat owners at brackish fishpond owners sa tulong ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Samantala, makakakuha ang lahat ng mga rehistradong fishponds sa siyudad ng fingerlings, samantalang ang mga naiulat na nasiraang bangka ngayong taon ang mga mabibigyan ng marine epoxy.

Ayon pa kay City Councilors Hon. Jucar, nais ng aktibidad na maibsan ang pinagkakagastusan ng mga mangingisda sa kanilang produksyon.

Sa kanyang mensahe, “Patuloy nating pagtibayin ang produksyon ng bawat mangingisda tungo sa inklusibong pag-unlad dito sa ating lungsod”, aniya.

Source: City Government of San Fernando, La Union

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles