Dumalo sa Cybercrime Orientation at Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children Awareness Advocacy Program ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng San Fernando City, La Union na ginanap sa ABC Hall ng naturang probinsya nito lamang ika-4 ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Pumunta at sumali ang mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng San Fernando City, La Union sa naturang aktibidad upang mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa R.A. 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Bukod sa mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng San Fernando, La Union, dumalo din sa naturang orientation at awareness advocacy program si Mr. King Excelsis C. Rojas, RCrim, CICC – Davao Cyber Patroller.
Nagbigay naman ng pambungad na mensahe si Atty. Maria Nadia Nalinac Gonzales-Pilar, City Legal Officer I, bilang kinatawan ni City Mayor Hon. Hermenegildo A. Gualberto.
Samantala, patuloy pa din ang Lokal na Pamahalaan ng San Fernando, La Union sa pagsasagawa ng mga programa at proyekto kung saan makikinabang ng lubos ang kanilang nasasakupan.
Source: City Government of San Fernando, La Union