Itinampok ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD 2) ang samahan ng mga kababaihan na pinamunuan ng Association of Sustainable Livelihood Program (SLP) sa pamamagitan ng isang product exhibit ng kanilang hydroponics lettuce project noong ika-3 Marso 2023.
Ang programa ay alinsunod sa pagdiriwang ng National Women’s Month na may temang “WE Gender Equality and Inclusive Society”.
Lahat ng kababaihang miyembro ng Wild Flower Sustainable Livelihood Program Association (SLPA) mula sa Centro 11, Tuguegarao City ay nakapagbenta ng may kabuuang 300 tasa ng bagong ani na lettuce at homemade veggie rolls sa mga tauhan ng Field Office.
Matatandaan na sumailalim ang mga ito sa skills training katuwang ang KM Hydroponics noong Agosto 2022, at ang SLP ay nagbigay ng seed capital fund na nagkakahalaga ng Php120,000.
Ang SLP ay isang capability-building program na may layunin na matulungan ang mga benepisyaryo upang mas mapabuti ang kani-kanilang kakayahan at karunungan at sila’y mabigyan ng pagkakataon na umasenso sa pamamagitan ng pagbigay ng angkop na tulong na makasisiguro na ang kabuhayan na mayroon sila ay magtatagumpay.
Source: DSWD Region 2