22.9 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

Salt Industry sa Cagayan, pasisiglahin muli ng BFAR R02

Nagsagawa ng unang pagsasanay sa Solar Sea Salt Making gamit ang High-density Polyethylene platform ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 02 na ginanap noong Hulyo 3-4, 2023 sa Ballesteros, Cagayan.

Ayon sa BFAR R02, ito ay hakbang ng ahensya upang buhayin at pasiglahin muli ang industriya ng asin sa Cagayan at sa buong bansa.

Kasabay ng paglulunsad ang pagsasagawa ng skills training sa mga kalahok mula sa fisherfolk association ng Barangay Cabaritan West, barangay officials at mga dati ng salt producers sa bayan ng Ballesteros.

Sa pakikipagtulungan ng Don Marinao Marcos Memorial Sate and University at training arm ng BFAR, natuto ang mga kalahok mula Solar Sea Salt Making.

Inimbitahan si technical expert Dr. Andie John D. Tadeo, Director ng DMMMSU North La Union Campus, Fisheries Research and Training Institute bilang panauhing pandangal.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Dr. Tadeo na handa umano siyang tumulong hindi lamang sa La Union, sa halip ay sa iba pang mga lugar upang matugunan ang salt shortage sa bansa na umaasa lamang sa importasyon.

Napag-alaman pa kay Tadeo na sa taong 2021, 93% ng asin sa Pilipinas ay imported at 7% lamang ay mula sa mga local producers.

Sa revitalization ng solar sea salt making sa tulong ng polyethylene platform, aasahan na matuto ang mga Cagayano upang mapahusay pa ang kaalaman at kakayahan sa paggawa at produksyon ng asin upang hindi na aasa sa importasyon.

Samantala, una na ring inilunsad sa bansa ang nasabing proyekto noong Marso 2022 sa tulong ng National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) na may layuning pasiglahin ang insdutriya ng asin sa Pilipinas para sa ekonomiya, pangkabuhayan at pagkakitaan ng mga Pilipino.

Source. BFAR Region 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles