Ipinamahagi nina Governor Rodito T. Albano III at Vice Governor Faustino “Bojie” G. Dy III, ang sahod ng 500 TUPAD beneficiaries at allowance ng 754 na BRO-Ed scholars sa Angadanan Community Center na dinaluhan ni Mayor Joelle Mathea S. Panganiban at ibang mga opisyal ng bayan noong ika-5 ng Marso 2023.
Nabigyan din ng bigas ang bawat beneficiaries.
Pinuri ni Vice Gov. Dy ang patuloy na pagdami ng mga kabataang Isabeleño na nagsisikap na makatapos ng kanilang college degree. Binati rin niya ang TODA na nakatanggap ng ayuda. Aniya, “𝘚𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘨 𝘛𝘜𝘗𝘈𝘋 𝘮𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘱𝘰 𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘵 𝘬𝘢𝘩𝘪𝘵 𝘱𝘢𝘱𝘢𝘢𝘯𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘰𝘯 𝘴𝘢 𝘵𝘢𝘮𝘢 𝘯𝘨 𝘊𝘖𝘝𝘐𝘋-19 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯. 𝘈𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘳𝘰𝘷𝘪𝘯𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘨𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘵𝘶𝘭𝘰𝘺 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘬𝘪𝘬𝘪𝘱𝘢𝘨-𝘶𝘨𝘯𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘋𝘖𝘓𝘌 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘨𝘢𝘺𝘰𝘯 𝘮𝘢𝘢𝘣𝘰𝘵 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘣𝘪𝘨𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘢𝘣𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘵𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘰 𝘢𝘺 𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺-𝘴𝘢𝘣𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨𝘰𝘯 𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘯𝘥𝘦𝘮𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘥𝘢𝘢𝘯𝘢𝘯.”
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Gov. Rodito sa DOLE sa pamamagitan ng dating kalihim Bello sa mga ayuda ng ahensya na naipamahagi sa mga Isabeleño sa mga nagdaang taon. Pinayuhan din niya ang mga iskolar na pagbutihin ang pag-aaral para makatapos sila at makatulong sa mga magulang at sa bayan. Aniya, “𝘔𝘢𝘨𝘴𝘶𝘮𝘪𝘬𝘢𝘱 𝘬𝘢𝘺𝘰. 𝘏𝘢𝘯𝘨𝘢𝘥 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘬𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘬𝘢𝘺𝘰 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘮𝘢𝘪𝘢𝘯𝘨𝘢𝘵 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘵𝘢𝘴 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘺𝘰 𝘢𝘵 𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘪𝘢𝘢𝘯𝘨𝘢𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘰 𝘳𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘸𝘪𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘐𝘴𝘢𝘣𝘦𝘭𝘢. 𝘏𝘶𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨-𝘢𝘭𝘢𝘭𝘢, 𝘯𝘦𝘹𝘵 𝘺𝘦𝘢𝘳 𝘥𝘢g𝘥𝘢𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘯𝘺𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘢𝘺𝘶𝘥𝘢.”
Malaking tulong ito sa bawat pamilyang mahihirap na hindi dapat ang kinikita at sinasagot sa mga trabaho, kaya naman ang pamahalaan ay hindi magsasawa at patuloy ang pagtugon sa mga pangangallangan ng mahihirap na mamamayan.