Bilang bahagi ng mas pinaigting na programang pangkalusugan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, patuloy ang pagbibigay ng maaasahan at de-kalidad na serbisyong medikal sa mga barangay sa tulong ng sampung Rural Health Units na nagsisilbing pangunahing tagapaghatid ng serbisyong pangkalusugan sa komunidad nito lamang Sabado, ika-5 ng Abril 2024.
Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang mga dedikadong RHU Doctors, Midwives, Nurses, Medical Technologists, Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars.
Kabilang sa mga pangunahing serbisyong inihahatid ng mga RHUs ay Libreng medikal na konsultasyon, National Tuberculosis Program , Pre-natal at maternal health care at iba pang kaugnay na serbisyong medikal.

Sa pamamagitan ng mga Rural Health Units, naitataas ang antas ng akses ng mga Tarlakenyo sa serbisyong medikal, lalo na sa mga malalayong barangay.
Mula sa pangunahing konsultasyon hanggang sa espesyal na gamutan, layunin ng pamahalaang lungsod na mapanatili ang isang malusog, ligtas, at produktibong pamayanan.
Ang mga programang ito ay alinsunod sa adbokasiyang “Magkaisa Bawat Oras, Sama-Sama” na nagsusulong ng pagkakaisa at sabayang pagkilos tungo sa kaunlaran ng lungsod at kapakanan ng bawat mamamayan.
