18.8 C
Baguio City
Wednesday, April 16, 2025
spot_img

Rural Health Units: Kaagapay ng Tarlac City sa pangangalagang kalusugan

Patuloy ang paghahatid ng dekalidad, maayos, at abot-kamay na serbisyong pangkalusugan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac nito lamang Sabado, ika-13 ng Abril 2025.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ni Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang mga dedikadong RHU Doctors, Midwives, Nurses, Medical Technologists, Barangay Health Workers at Barangay Nutrition Scholars.

Kabilang sa mga pangunahing serbisyong inihahatid ng mga RHUs ay libreng medikal na konsultasyon, Pre-natal, Laboratory Testing at iba pang kaugnay na serbisyong medikal.

Sa pamamagitan ng mga Rural Health Units, naitataas ang antas ng akses ng mga Tarlakenyo sa serbisyong medikal, lalo na sa mga malalayong barangay.

Mula sa pangunahing konsultasyon hanggang sa espesyal na gamutan, layunin ng pamahalaang lungsod na mapanatili ang isang malusog, ligtas, at produktibong pamayanan.

Layunin nito na matiyak ang kalusugan at kagalingan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng maagap, dekalidad, at abot-kayang pangangalagang pangkalusugan.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles