Gumuho ang Romulo Bridge na matatagpuan sa Brgy. Wawa, Bayambang, Pangasinan sa di matuloy na dahilan nitong ika-20 ng Oktubre 2022.
Maagap namang nirespondehan ng mga kapulisan ang insidente mula sa Bayambang Municipal Police Station sa pamumuno ng Officer-In-Charge na si Police Lieutenant Colonel Rommel Bagsic, kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), Bureau of Fire Protection (BFP) Bayambang, Local Government Unit (LGU) Bayambang at iba pang concerned organizations.
Ayon sa Municipal Mayor ng Bayambang na si Hon. Niña Jose-Quimbao, walang naitalang namatay sa nangyaring insidente at ang mga nasugatan ay nadala na sa pagamutan para bigyan ng pangunahing lunas.
Ayon pa kay Mayor Quiambao, ang pamahalaang lokal ng Bayambang ay maghahandog ng libreng sakay sa mga apektadong residente at pinayuhan nila ang mga namumuno sa pampubliko at pribadong paaralan na kung maaari ay pahintulutan na lumiban sa face-to-face classes ang mga apektadong estudyante at pansamantalang payagan sa online classes.
Dagdag pa ni Mayor Quimbao, ang pamahalaang lokal ng Bayambang ay mayroong itinalagang alternate routes para sa mga papasok at lalabas sa naturang Bayan.
Ang bayan ng Bayambang ay patuloy na ginagawa ang lahat upang agarang maisaayos ang gumuhong tulay sa tulong na rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Ilocos Region at ng iba pang ahensya ng gobyerno.
Source: PIA Pangasinan