Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways ang road clearing operations sa mga naisarang daanan sa Nueva Vizcaya nitong Lunes, Setyembre 26, 2022.
Nagdulot ng landslide ang pagragasa ng bagyong Karding sa lalawigan na siyang naging dahilan ng pagsarado ng dalawang lanes ng Bambang-Kasibu-Solano Road sa Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya.
Agad na rumesponde ang mga DPWH Region 2 kasama ng iba pang ahensya ng pamahalaan kung saan isang payloader at isang dumptruck ang ipinadala ng kagawaran upang mas mapabilis na matanggal ang natambak na lupa at mga puno sa kalsada.
Bukod dito, nagbigay din sila ng abiso at alternatibong ruta na maaaring gamitin ng mga motoristang palabas ng bayan ng Kasibu.
Ang ilan sa mga ito ay ang Aritao-Quirino Road Exit sa Dupax at Papaya-Tadju Road Exit sa bayan ng Solano.
Muli naman nagpaalala ang mga awtoridad na maging maingat sa pagmamaneho upang maging ligtas sa kalsada.
Sources: DPWH Region II/ PIA 2