Nagsagawa ang pamahalaan ng Santa Maria, Bulacan, ng Risk Resiliency Program thru Project Lawa at Binhi Payout para sa mga residente ng Barangay Catmon, Santa Maria, Bulacan nito lamang Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Hon. Omeng Ramos, Mayor ng Santa Maria, Bulacan kasama ang iba’t ibang mga opisyal tulad nina Congresman Rodante Marcoleta, at iba pang lokal na lider.
Ang programang ito ay naglalayong mapalakas ang kakayahan ng komunidad na makaangkop at makabawi mula sa mga panganib at sakuna.
Layunin ng programang ito na siguraduhing ang bawat mamamayan na may sapat na suporta at mapagkukunan upang magtagumpay at magkaisa sa pagtataguyod ng kanilang komunidad at pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan para sa Bagong Pilipinas.