15.5 C
Baguio City
Friday, October 25, 2024
spot_img

Rider, sugatan sa naganap na banggaan ng motor at truck sa Kabugao, Apayao

Sugatan ang isang rider matapos magsalpukan ang kanyang minamanehong motorsiklo at isang pribadong sasakyan sa  kahabaan ng SO Pasyab, Barangay Nagbabalayan, Kabugao, Apayao bandang 4:00 ng hapon ng Hunyo 16, 2023.

Kinilala ng mga otoridad ang dalawang sangkot na isang Gray Toyota Hilux na may Plate #ZPH 146 na minamaneho ni Rev. Rockymae Telan Bayaua, 36, Parish Priest ng Our Lady of Lourdes Church, Brgy. Poblacion, Kabugao, Apayao at isang itim na Honda TMX na walang plate number na minamaneho naman ni Ferman Apilit Gubatan, 28, binata,  residente ng Brgy. Lucab, Kabugao, Apayao.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang Toyota Hilux ay galing sa Poblacion ng Kabugao patungo sana sa Barangay Lucab nang biglang sumulpot ang Honda TMX at sumingit sa lane dahilan ng pagkabangga nito sa Toyota Hilux.

Samantala, agad na dinala sa Apayao Provincial Hospital ang rider ng motorsiklo para sa agarang medikal na atensyon sanhi ng malubhang pagkasugat.

Pinapa-alalahanan naman ng mga otoridad ang lahat ng motorista na mag-doble ingat sa pagmamaneho at sumunod sa batas trapiko upang maiwasan ang anumang aksidente sa daan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles