16.2 C
Baguio City
Monday, January 20, 2025
spot_img

RIC members, sumailalim sa hands-on training ng vegetable production

Sumailalim sa hands-on training ng vegetable production ang mga miyembro ng Rural Improvement Club (RIC)- Iguig na ginanap sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan noong Pebrero 21, 2023.

Ayon kay Dr. Pearlita P. Mabasa, Provincial Agriculturist ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, ang 30 na miyembro ng RIC ay nagtanim ng iba’t ibang klase ng gulay kabilang ang pang-pinakbet at pang-sinigang na paboritong ulam ng mga Cagayano.

Naturuan ang mga nasabing miyembro kung ano ang mga tamang hakbang ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga gulay.

Samantala, ang mga serye ng pagsasanay ng mga miyembro ng RIC, corn at rice farmers sa Farm School ay bahagi ng adhikain ni Governor Manuel Mamba na ihanda ang sektor ng magsasaka sa plano niyang pagkakaroon ng Cagayan International Gateway Project (CIGP) sa buong lalawigan.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles