Nagsagawa ng retrieval operation ang NIF-Zambales (Philippine Navy) Disaster sa bangkay ng dalawang turista na pinaniniwalaang nalunod sa baybayin ng San Antonio at San Narciso, Zambales nito lamang ika-16 ng Hulyo 2022.
Naging katuwang sa nasabing operasyon ang Rescue & Response Team (DRRT), Philippine Coast Guard Zambales, San Antonio Municipal Police Station, San Narciso MPS at San Antonio Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office.
Kinilala ang dalawang turista na 36 taong gulang at 15 taong gulang mula sa Bulacan.
Ayon sa imbestigasyon, nagkaroon sila ng family outing sa Barangay San Miguel, San Antonio, Zambales kahit masama ang panahon at malakas ang alon ng karagatan.
Pinaalalahanan ang mga turista at bakasyonista na iwasan ang ganitong aktibidad para sa kanilang kaligtasan.
Source: Naval Installation and Facilities-Zambales