20.1 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Retiradong empleyado ng gobyerno, boluntaryong isinuko ang kanyang loose firearm sa San Fernando City PNP

Boluntaryong isinuko ng isang retiradong empleyado ng City Government of San Fernando City ang kanyang loose firearm para sa safekeeping sa San Fernando City Police Station sa San Fernando City, La Union nitong Biyernes ng hapon, Hulyo 29, 2022.

Nakilala ang nasabing nagsuko ng baril na si Amado Gacayan y Ramos, 62, at residente ng Brgy. Cabaroan, San Fernando City, La Union.

Ang isinukong armas ay isang uri ng 9 mm Caliber Pistol na may Serial Number na 511NN50261.

Ang pagsuko ng nasabing armas ay resulta ng isinagawang “Oplan Katok” sa mga residente na may mga expired na license to owned and possess firearms at rehistro ng kanilang mga baril/armas sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Joeffrey M Todeno, Chief of Police.

Ito rin ay may kaugnay sa pinaigting na pagsasakatuparan ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO), na nakatuon sa kampanya laban sa loose firearms (RA 10591), mga paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165), pag-aresto sa mga wanted persons, anti-illegal logging at anti-illegal gambling activities.

Layunin nitong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa komunidad at maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng kriminalidad at terorismo.

Source: San Fernando City Police Station

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles