Nakahanda na ang mga kagamitan at sasakyan pangsagip ng Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa iba’t ibang barangay ng lungsod bilang paghahanda sa darating na bagyo nito lamang Linggo, ika-25 ng Setyembre 2022.
Kabilang sa mga nakahandang sasakyan at kagamitan ay ang mga rubber boats, rescue trucks at mga life jackets.
Nakaalerto rin ang mga miyembro ng Accredited Community Disaster Volunteers na kung saan ay nakaatas magbantay sa kanilang nasasakupang barangay.
Patuloy na nagpapaalala ang Pamahalaang Lungsod ng Cabanatuan sa mga residente sa nasasakupan na maging alerto at handa sa maaaring epekto ng bagyo.