Naghandog ng relief goods ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga residente ng Barangay Mojon, Malolos, Bulacan na nasalanta ng bagyo nito lamang Lunes, ika-29 ng Hulyo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Hon. Christian D Natividad, City Mayor, kasama ang mga empleyado mula sa iba’t ibang sektor ng Kapitolyo, Barangay Officials at Sangguniang Kabataan.
Nakatanggap ang mahigit kumulang 1500 na residente ng relief goods na naglalaman ng bigas, delata, kape at iba pa na higit na mkakatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Layunin nitong mabilis na matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad at upang suportahan habang nagsisikap na makabangon mula sa mga epekto ng kalamidad.
Patuloy ang pamahalaan ng Bulacan sa pagbibigay ng tulong sa kanilang nasasakupan sa abot ng kanilang makakaya para sa kapakanan ng bawat indibidwal.